Sunday, June 20, 2021

Korean Shipbuilder Malaki ang Pontensyal na Mapiling Gumawa ng Kauna unahang Submarino ng Pilipinas

Isang balita na naman ang inyong Ikasusurpresa. Ito ay matapos na ang Representante ng Pilipinas ay nagtungo sa South Korea kung saan kamakailan lang ito ay napabalitang dumalo para sa isang pagsusuri ng mga shipbuilders na gagawa ng ating kauna unahang submarino.

Ang nasabing paggawaan ng barko na dinaluhan ng ating representante kamakailan lang ay ang (DSME) o mas kilala bilang Daewoo Shipbuilding & Marine Engineering ng South Korea, Kung saan kasama sa pagdalo ang makita ang Korean Navy’s Submarine Workshops at Training Facilities nito.

Ayon sa tagapagsalita ng nasabing kumpanya. Malaki ang posibilidad na ang tinutukoy na submarinong gagawin para sa bansang pilipinas ay ang mas advance na DSME 1400 submarine.

Ang nasabing submarino ng DSME ay may 1,400 toniladang bigat kung saan ito ay nasa ilalim ng kanilang "Total Solution Package". kasama na dito ang crew-training at ang soft-loan para sa financial na kasiguruhang na magpapatuloy ang proyekto.

Sinasabi rin na matapos nga ang pag susuri. ang nasabing kumpanya ay malaki ang potensyal na mapili. kung saan anya ang submarinong gagawin ay tugma sa klasipikasyong nababagay sa ating Philippine Navy.

No comments:

Post a Comment