Friday, August 6, 2021

Anim na Pirasong Helicopters Ang Muling Papasok sa Serbisyon Matapos itong Mabuo Muli

Karagdagang Air Assets, ang nakalinya matapos nga ng muling buhayan ng ating Hukbong Pang Himpapawid ng Pilipinas. 

Matapos nga na muling mabuo ng ating bihasa at magagaling na Technician mula sa Philippine Air Force ang ilan sa ating Air Assets na nakatengga matapos nga ng ito ay dumaan sa matinding hamon ng ibat ibang klaseng misyon sa larangan ng pagtatanggol sa bayan, naging dahilan ng unti unting pagkasira nito.

Kung inyong maaalala, makailang beses narin na grounded ang ating helicopters, na tulad nalang ng Blackhawk at Huey Helicopters, dahil nga sa pagkakasangkot ng mga ito sa aksidente. na kung saan, nag resulta ng pag deklara ng pansamantalang di pagpapalipad sa mga ito. naging dahilan narin ng ating kakulangan ng Helicopter na nasa serbisyo. 

Kung kaya't matapos nga na ang mga nasabing helicopters ay muling mabuhay, inaasahang malaki ang maitutulong nito sa ating kasalukuyang kakulangan ng Helicopters.

Ang mga nasabing Air Assets na muling naayos ay ang sumusunod. tatlong (3) PZL W-3A “Sokol”, dalawang (2) Huey II, at isang (1) Super Huey helicopters. Ang blessing ng mga helicopter ay ginanap naman nakarang nitong August 4, 2021 sa Clark Air Base, Pampanga. 


No comments:

Post a Comment