Isang Grupo ng Philippine Navy ang namataan na nag iinspeksyon sa isang TC-12B Huron Aircraft. Anya, 21 units ng tulad na eroplano ang nakalinya para sa nasabing inspeksyon.
Sa pamumuno ni Rear Admiral Alberto B Carlos ng Philippine Navy. tumulak ang grupo sa US Air Force Aerospace Maintenance and Regeneration Group sa Tucson, Arizona nitong July 18 hanggang 24 ng taong kasalukuyan (2021). Ito ay upang tingnan at alamin kung ang mga eroplano na matagal ng nakatengga sa nasabing base militar ay mapapakinabangan.
At ayon nga sa naging resulta ng inspeksyon, ang 21 units na TC-12B Huron Aircraft ay nakapasa. ito ay matapos nga ng mabubusing pagtutukoy sa mga eroplanong malaki pa ang potensyal na maisalba sa kabila ng matagal nitong pagkakatulog.
Inaasahan naman matapos nga ang Joint Visual Inspection, walo sa nasabing 21 units na Aircraft, ang dadagdag sa imbentaryo ng Air Assets ng Philippine Navy. Kung saan ito ay malaki ang maitutulong sa larangan ng surveillance, medical evacuation, at maging sa passenger at light cargo transport.
No comments:
Post a Comment