Isang balita kamakailan lang nitong (August 3, 2021) Agosto ng a tres taong kasalukuyan, ang ika nagulat ng lahat, ng ang isa sa pinakamataas na opisyal ng Hyundai Heavy Industries, ay bumisita mismo sa headquarters ng Philippine Navy.
Kung saan, ito ay pinaunlakan ng Flag Officer In Command ng Philippine Navy, na si Vice Adm. Adeluis Bordado.
Ang nasabing mataas na opisyal ay walang iba, kundi si Mr. Moon Young Park, Executive Vice President ng Hyundai Heavy Industries na kilala, sa pagawa ng barko sa South korea, kung saan ang dalawa sa ating pinaka pipitagang (Jose Rizal Class) Missile Frigate ay duon ginawa.
Ang Courtesy call ng Bise Presidente ng Hyundai Heavy Industries, ay isa lang anya, sa pagkilala na ang nasabing pagawaan ng barko sa South Korea at maging ang Gobyerno nito, ay patuloy na sumusuporta sa modernisasyon ng Hukbong dagat ng Pilipinas.
Ang nasabing pag uusap ng dalawang panig ay di pa matukoy. Ngunit anya, ito ay patungkol sa panibagong warships na inu offer ng nasabing kilalang gawaan ng barko na HHI.
Kung inyong maaalala, minsan na ring naisama sa listahan, ng Frigate Acquisition ng Philippine Navy, ang mas malaki pang Missile Frigate, na FFX III variant, na gawa din ng Hyundai Heavy Industries. Hindi nga lang ito na aprubahan dahil nga sa mas nauna ng natapos ang evaluation ng Technical Team ng Navy sa mas maliit na Jose Rizal Class.
Ang FFX III Variant ay sinasabing may habang 122 meters, at may lapad na di ba ba ba, sa 14 meters. Ito ay may 16 cells vertical launching system, na higit na mas marami, kesa sa 8 cells lang ng Jose Rizal Class. Sinasabi ring ito ay mas advance kesa sa Incheon class.
Inaasahan naman na matapos nga ang ugnayan ng dalawang panig, ay mabibigyan ng linaw, kung ano nga ba ang pinagusapan ng mga ito. bagamat limitado lang sa ngayon ang ating impormasyon, di pa rin maiwasan maisip, na konektado ang pag uusap, sa panibagong warship acquisition ng navy, kung saan ito nga ay ang mas malaking Missile Capable Warships. na nakaraang inu offer, ng nasabing pagawaan ng barko sa south korea.
No comments:
Post a Comment