Kamakailan lang naibalita natin ang tungkol sa pag kuha ng T129 Attack helicopter na gawa ng Turkish Aerospace Industries, kung saan ang nasabing mga helicopter ay nakalusot matapos ngang payagan ng Estados Unidos na iexport sa Pilipinas ang kanilang Engine na gagamitin para sa nasabing attack helicopter.
Sinasabi rin na ilang grupo ng Piloto ng Philippine Air Force ay nag tungo mismo sa bansang pinagbilan ng nasabing Attack Helicopter.upang matutunan ang pag pagpapalipad at familiarization para sa nasabing helicopter.
At dahil nga sa masigasig nating mga piloto halos 90 percent na ng training ang kanilang natapos, at ilang pursyento nalang ay kaya na nilang malipad ang nasabing T129 Attack Helicopters na gawa sa bansang Turkey.
At matapos nga ang mga pagsubok, ang mga piloto ay nakahanda ng makauwi. kung saan, inaasahan naman na sasabay makarating sa bansa ang dalawang sa unang batch na T129 Attack helicopter, sa buwan ng Septyembre taong kasalukuyan (2021).
No comments:
Post a Comment