Friday, June 25, 2021

Paparating na mga Tanke na binili ng Philippine Army sa Israel Alamin

Alam nyo ba? na may paparating tayong mga tanke? Tama ang inyong nabasa...

Ang nasabing paparating mga tanke ay nag simula ng nagmagkarron ng programa patungkol sa pagkuha ng mga makabagong tangke sa ilalim ng Revise Armed Forces Of the Philippine Modernization Program (RAFPMP).

Sinasabing simula nga ng isa isang narelease ang SARO o Special Allotment Release Order para sa nasabing mga tanke na sinumulan nuong Oktubre taong 2020 ay sinisiguradong tuloy na tuloy ang pagkuha ng makabagong tanke para sa Philippine Army.

Ito ang mga sumusunod na tankeng Kukuhanin: 

-Disi Otyong (18) Sabrah ASCOD 2 Tracked Tanks

-Sampung (10) Sabrah Pandur 2 8x8 Wheeled Tanks

-Isang (1) ASCOD 2 Armored Command Vehicle

-Isang (1) ASCOD 2 Recovery Vehicle

Ang mga nasabing tanke ay aarmasan ng 105mm gun Elbit Turret, E lynX SDR, Torch-X BMS, at ibang karagdagang mga Equipment na provided ng Elbit Systems.

Ang Kontrata ng nasabing kukuhaning tangke ay napanalunan ng kumpanyang Elbit Systems ng Bansang Israel na kilala sa paggawa ng Armas at Ibat ibang Klaseng Military Equipments. Kung saan ang nasabing Tank Acquisition ay nagkakahalaga ng tumataginting na US$ 172 Million.

Inaasahang mga nasabing Kukuhaning mga Tanke ay makakarating sa taong 2022.

No comments:

Post a Comment