Alam nyo ba na.... Na paparating na ang ating T129 Atak Helicopter? Tama kayo sa inyong narinig..
Ito matapos na ang Department of National Defense (DND) at Philippine Air Force (PAF) ay inanunsyo na ang Pilipinas ay Lumusot na sa Pag kuha ng Attack Helicopter na gawa sa Turkey.
Kung inyong maaalala makailang beses na rin itong hinadlangan sa pamamagitan ng di pag payag na magamit ang LHTEC T800-4A turboshaft engines na naka lisensya sa Estados Unidos.
Ngunit dahil nga sa di inaasahan pagkakataon... at bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin. Ito ay matapos na inunsyo mismo ng turkish aerospace ang kumpanyang gagawa sa nasabing kukuhaning helicopter na ang makinang gagamiting nakalisensya sa Amerika ay himalang pumayag na iangkat para magamit ng Pilipinas sa kukuhanin nitong Attack Helicopter.
Ang nasabing Acquisition T129 helicopter para sa Philippine Air Force na may kabuuang anim piraso ay nagkakahalag ng tumataginting na US$ 269 Milyong Dulyar kung saan ang kontrata ay nasa ilalim ng Government To Government na paguusap.
Inaasahan naman na makakarating sa bansa ang dalawa sa anim na t129 Atak helicopter sa buwan ng Septyembre sa taong kasalukuyan (2021). habang dalawa muli sa buwan ng Pebrero taong 2022. at ang natitirang dalawa ay makakarating sa taong 2023.
No comments:
Post a Comment