Friday, July 23, 2021

Maalamat na Barko Isinabak sa Operasyon

Pambihirang imahe ang makikita... dahil minsan lang natin mamataan ang maalamat na barkong ito ng bansa, kung saan ang nasabing vessel ay kaya naman pa lang magamit sa isang operasyon..

Ang nasabing barko ay walang iba kundi Ang BRP Ang Pangulo. Kilala ito na minsan naring nagsilbi bilang Pangunahing Barko ng mga nagdadaang Presidente, at sa kabila nga ng katandaan nito, napapanatili pa rin ng taga pangasiwa ng nasabing barko ang natatangi nitong kagandahan.

Sinasabing ang BRP Ang Pangulo ay namataan na nagsasagawa ng operasyon na kung tawagin ay  Presidential/VIP Security Operation nitong a otso ng hulyo taong kasalukuyan (July 8, 2021) Ito ay binubuo ng Presidential/VIP Sealift at Airlift Operations. 

Ang nasabing simulation exercise pinangunahan ng dalawang SEAL Teams ng Philippine Navy kung saan makikita rin ang partisipasyon ng tatlong MPAC o Multi-Purpose Attack Craft at dalawang Bell 412 Helicopters ng 250th Presidential Airlift na makailang ulit na nakitang lumalapag sa BRP Ang Pangulo.

No comments:

Post a Comment