Isang grupo ng mga sundalo o masasabi naring batabatalyon, ang nagsidatingan sa kilalang Probinsya ng Samar.
Ito ay matapos na mamataan ang di matukoy na bilang ng Landing Crafts ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na isa isang dumaong sa isang pier sa probinsya ng Samar, Kung saan di rin mabilang ang nagsisilabasang sundalo, na kumpleto rekado at pawang handang handa sa digmaan dahil sa mga dala nitong mga matataas na kalibre na iba't ibang klase ng armas.
Sinasabing ang mga sundalong namataan, ay nag mula pa sa 3rd Infantry Battalion ng Davao Region, na kung saan naghanda na iwan ang kanilang base sa nasabing rehiyon nuong february 5, 2022 para sa bagong deployment nito.
Anya ang pangunahing misyon ng nasabing grupo ng mga sundalo, ay lansagin ang pribadong grupong may armas, na kilalang naghahasik ng kaguluhan, lalo na sa panahon ng halalan, nilalayon din ng nasabing misyon ang pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar ng Eastern Visayas, Partikular na ang Samar.
Nakilala ang Storm Trooper Division ng minsan ngang inubos nito ang rebeldeng NPA sa kagubatan ng Samar, kung saan isa sa pangunahin base ng mga rebelde ay walang kagalos galos na pinasok ito at nakuha.
No comments:
Post a Comment