Friday, February 25, 2022

BRP Teresa Magbanau Nakarating Na Sa Pantalan Ng Maynila

Isang kapapasok na balita, ang muli naming ihahatid sa inyo. 

Ito ay matapos na ligtas na nakarating sa bansa, ang MRRV-9701 o ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ngayong araw, ika-26 ng Pebrero 2022, mainit na sinalubong ng mga PCG officers at personnel, sa pangunguna ni PCG Officer-in-Charge, CG Vice Admiral Eduardo D Fabricante, ang naturang barko sa Port Area, Manila. 

Ito ay matapos ang paglalayag ng MRRV-9701 mula Shimonoseki Shipyard sa Japan kung saan ito ginawa ng Mitsubishi Heavy Industries (MHI), Ltd mula pa noong Disyembre 2020. 

"Lubos po kaming nagagalak dahil nandito na ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard. Nagpapasalamat kami sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Department of Transportation - Philippines (DOTr) Secretary Art Tugade sa kanilang patuloy na pag-agapay at pag-suporta sa modernisasyon ng PCG," ani CG Vice Admiral Fabricante. 

Ang MRRV-9701 ay isa sa dalawang 97-meter multi-role response vessels (MRRV) na layong palawigin ang modernisasyon ng PCG. Bahagi ito ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) Phase II ng Pilipinas, sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr), at Japan na pormal na napagkasunduan noong Oktubre 2016. 

Sa oras na ma-komisyon bilang “Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) TERESA MAGBANUA (MRRV-9701),” gagamitin ito para makatulong sa operasyon ng PCG Task Force Pagsasanay. 

Ang PCG Task Force Pagsasanay ay nangunguna sa pagtataguyod ng maritime security, maritime safety, maritime law enforcement, maritime search and rescue, at marine environmental protection sa malawak na katubigan ng Pilipinas. 

Thursday, February 24, 2022

Russia Pinasok Na Ang Ukraine

Bansang Russia inumpisahan nang pasukin ang Ukraine. Makikita na ang grupo ng mga tangke ng russia ang pila pilang bumasok sa border ng Ukraine, sinasabing ang mga tangkeng ito ay galing pa anya sa Belarus.

Pauna na ring naibalita ang ilang nakayayanig na pagsabog, sa mismong kapital ng ukraine na kiev, at maging sa iba pang parte ng bansa. Hinihinalang ito nga ay isang missile strike na nagmumula sa russia, kung saan sinasabing high-precision missile ang ginamit para anya maiwasan nito ang kabahayan ng mga sibilyan sa lugar at tanging sa base militar lamang ng ukraine ito lumapag.


Namataan din, ang pulupulutong na mga fighter jets at bomber aircrafts ng russia, na nasa himpapawid, na sakop mismo ng bansang ukraine.

Dahil nga sa mga kaganapan, mukhang dito na nga mag-uumpisa ang napipintong digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.  

Wednesday, February 23, 2022

Blackhawk Ng Pilipinas Lalong Dumadami

Mukhang wala ng makakapigil pa, sa patuloy na pagdami ng Blackhawk ng Pilipinas.

Ito ay matapos nga na ang Kalihim ng Departamento ng Depensa ng pilipinas na walang iba kundi si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay pumirma na ng  kontrata, na nag lalaman ng pagbili ng di baba sa 32 pirasong bagong S70-i Blackhawk na nakahandang bilhin ng bansa sa pangunahing manufacturer nito sa Bansang Poland na PZL Mielec.

Maaalalang nitong nakaraang disyembre ay nag issue ang Department of National Defense ng Notice Of Award sa PZL Mielec na syang manufacturer ng kukuhaning 32 untis na S70-i blackhawks, na ng lumaon nga ay nauwi narin sa pirmahan. 

Tinatayang higit kumulang 32 bilyong piso ang kabuuang halaga ng 32 units na S70-i Blackhawks kasama ang logistics support package at training para sa pilots at maintenance crews nito.

Asahan na ang delivery ng nasabing 32 units na blackhawks na mag uumpisa sa taong 2023 kung saan paunang limang piraso, at sa 2024 na ikalawang batch ay sampu, sa 2025 na ikatlong batch ay sampu muli, hanggang sa 2026 na huli at pang apat na batch ay ang natitirang pitong piraso.

Anya, matapos nga ang Delivery ng nasabing panibagong acquisition na kulang kulang talong dosenang Blackhawk, ay papalo na ang kasalukuyang bilang nito sa 48 units.


Monday, February 14, 2022

Bagong Overhauled Na Bagon Umabot Na Ng 43

Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga bagong overhaul na bagon na napatakbo ng pamunuan ng MRT-3 sa mainline matapos madagdagan ito ng dalawa kahapon, ika-9 ng Pebrero 2022.

Kung saan anya, mabusisi at masusing serye ng mga speed at quality checks ang pinagdaanan ng mga train cars o bagon upang masigurong ligtas sakyan ng mga pasahero. 

Sinasabing ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng nasabing rail line.

Ayon sa ahensya, Sa kasalukuyan, 29 na lamang sa kabuuang 72 na bagon ng MRT-3 ang naka-ischedule ma-overhaul ng maintenance provider ng linya. Ang isang tren ay binubuo ng tatlong (3) bagon. Nasa 17 hanggang 21 tren ang tumatakbo sa kasalukuyan sa mainline. 

Lumalabas na nananatili na nasa 70% ang passenger capacity ng mga tren, na may katumbas na 276 na pasahero kada train car,at 827 na pasahero naman kada train set.


Sunday, February 13, 2022

Bagong Acquire Na Military At Rescue Vehicles Dagdag Na Asset Sa AFP

Ilang kagamitang pang militar at rescue equipments ang namataan sa isa sa pangunahing base militar ng bansa na kung saan ang mga namataan ay ipinirinsenta sa bukas na lugar o open field.

Ang mga nasabing kagamitan ay kinapapalooban ng ibat ibang klaseng mga rescue and relief equipment, tulad nalang ng drone systems, detectors, water purification vehicles, ambulances, firetrucks, x-ray machines, EOD robots, bomb disposal suits, transport vehicles, at engineering equipment. 

Ang nasabing kaganapan ay nag umpisa matapos nga na ang ambassador to the Philippines na si Huang Xilian, kasama ang ating kalihim ng depensa na walang iba kundi si Defense Secretary Delfin Lorenzana,ay pinangunahan ang ceremonial handover para sa donasyong mga kagamitan at sasakyan, kung saan ang military grant para sa pilipinas, ay nagkakahalaga ng mahigit kumulang RMB 76 Million o (PHP 613 Million) halaga ng mga kagamitang pang military at rescue equipments. kasama nga ang dito isa pang batch na mga kagamitan na nagkakahalaga naman ng RMB 54 million o (PHP 435 Million) na kung pagsasama samahin ito ay papalo sa kabuuang halaga na RMB 130 Million o (Php 1 Billion).

 


Saturday, February 12, 2022

MRRV kargado na ng RCWS

Isang Departamento ng bansa, ipinakita ang bagong upgrades ng kanilang mga vessel.

Ito ay matapos mamataan, na ang anim na  Multi-Role Response Vessels ay nilagyan, ng state of the weapon systems na RCWS o Remote Controlled Weapon Station.

Sa pangunguna ni (PCG) Officer-in-Charge, CG Vice Admiral Eduardo D Fabricante at Israel's Defense Attaché, Mr. Raz Shabtay, isinagawa ang isang demonstrasyon para sa kaka instal na RCWS o Remote Controlled Weapon Station, kung saan ang nasabing kaganapan ay namataan sa katubigan ng Mariveles, Bataan, nitong  February 11, 2022.

Ang RCWS ay may Automatic Target Tracker na makakatulong sa operator na mapadali na mahanap ang target nito, meron din itong kakayahan na fire on the move, kung saan kaya nitong patamaan ang target habang tumatakbo ang barko, at higit sa lahat kaya rin nitong makakakita sa dilim sa tulong ng day and night camera nito.

Matatandaan na na una na ang delivery nito bago pa ikabit nuong Agosto ng taong 2020, kung saan sinundan ito 24 units na .50 caliber Heavy Machine Gun na naideliver ng Nobyembre ng kaperahas na taon. At sa tulong naman ng Israel Military Industries (IMI)na Elbit Systems Limited, kasama ang Philippine Coast Guard, ay inumpisahan na ang pag buo at pagkakabit ng walong RCWS sa PCG vessels noong Otubre ng taong 2021.

Anya, ang isinagawang demonstrasyon ay pagpapakita lang na ito na ang pag uumpisa ng pag yabong ng departamento pag dating sa modernong kaalaman at kakayahan tungo sa kaunlaran nito.

Thursday, February 10, 2022

Bagong Acquisition Ng PNP Nakakagulat Sa Dami

Isang na namang kapapasok na balita ang muli naming ihahatid sa inyo. Ito ay matapos na mamataan, ang daang milyong halaga ng mga top of the line at masasabing modernong mga sasakyan at floating assets, na kung saan masasabing malaki na naman ang maiaambag na pwersa sa departamentong mabibigyan nito.

Ang nasabing kaganapan, kung saan, ang blessing nito ay pinangunahan ng hepe ng PNP na walang iba kundi si Police General Dionardo B Carlos, ayon sa magiting na heneral:

“The PNP is grateful to President Rodrigo R Duterte and the national government for the gesture of genuine responsiveness to the operational needs of the PNP to perform our law enforcement and public safety mission. We can only reciprocate our gratitude through better police service to the people,” 

Ang mga nasabing sasakyang namataan ay ang mga sumusunod:

Kabilang nga dito na kung saan isa pinaka latest na idinagdag na Floating asset ng PNP, ay ang 10 units ng High-speed Tactical Watercraft na pinaaandar ng twin 250 horsepower na makina nito. 

Anya, ang bagong sasakyang pandagat, ay magpapalakas sa kasalukuyang fleet ng mga police gunboat na nasa serbisyo, kasama ang PNP Maritime Group at Special Action Force para sa seaborne police operations, at preventive patrol para sa 36,000 kilometrong baybayin ng bansa at coastal borders nito.

Kasama nga dito ang 34 units ng 6-wheeled utility trucks, 123 units ng 4x2 patrol vehicles, 170 units ng lowband VHF tactical radio sets, at 1,628 units ng handheld Digital Mobile Radio transceivers.

Lumalabas na higit kumulang 576,667,540 piso ang kabuuang halaga ng mga sasakyan, gun boats at mga kagamitang pang komunikasyon. na simpleng idinaos sa loob mismo ng PNP National Headquarters