Mukhang wala ng makakapigil pa, sa patuloy na pagdami ng Blackhawk ng Pilipinas.
Ito ay matapos nga na ang Kalihim ng Departamento ng Depensa ng pilipinas na walang iba kundi si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay pumirma na ng kontrata, na nag lalaman ng pagbili ng di baba sa 32 pirasong bagong S70-i Blackhawk na nakahandang bilhin ng bansa sa pangunahing manufacturer nito sa Bansang Poland na PZL Mielec.
Maaalalang nitong nakaraang disyembre ay nag issue ang Department of National Defense ng Notice Of Award sa PZL Mielec na syang manufacturer ng kukuhaning 32 untis na S70-i blackhawks, na ng lumaon nga ay nauwi narin sa pirmahan.
Tinatayang higit kumulang 32 bilyong piso ang kabuuang halaga ng 32 units na S70-i Blackhawks kasama ang logistics support package at training para sa pilots at maintenance crews nito.
Asahan na ang delivery ng nasabing 32 units na blackhawks na mag uumpisa sa taong 2023 kung saan paunang limang piraso, at sa 2024 na ikalawang batch ay sampu, sa 2025 na ikatlong batch ay sampu muli, hanggang sa 2026 na huli at pang apat na batch ay ang natitirang pitong piraso.
Anya, matapos nga ang Delivery ng nasabing panibagong acquisition na kulang kulang talong dosenang Blackhawk, ay papalo na ang kasalukuyang bilang nito sa 48 units.
No comments:
Post a Comment