Matapos na lumabas ang balita na ang Pilipinas ay lusot na sa pagkuha ng T129 ATAK Helicopter ng Turkey. Meron nanamang panibagong balita na lumulutang, kung saan ito ay Lubos na ikasusurpresa nyo.
Maaalang ang United States kamakailan lang ayInaprubahan ang Export Licenses sa Turkey ng makinang gagamitin nito para sa T129 ATAK Helicopter. Kung saan, ito ang magbibigay daan sa Pilipinas na makakuha ng nasabing ATAK Helicopter.
At matapos nga nyan. Isang Balita na naman ang lumutang. Ito ay kung saan, isang imahe na nanggaling sa isang social media, na nagpapakita ng grupo ng mga piloto suot ang uniporme ng Philippine Air Force. Ayon sa Caption ng nasabing imahe sa social media, Isang Send Off ng grupo ng mga Piloto katabi ng T129 Helciopter na kung saan makikita sa bandang ibaba ang buwan at taon na ang mga piloto ay mananatili sa nasabing bansang pagkukunan ng T129. Lumalabas dito na pinapakita na ang Pilipinas ay magpapadala ng grupo ng mga piloto upang magsanay para sa pagpapalipad ng T129 sa bansang Turkey.
Sinasabi rin anya ng isang social media, na posibleng nag kasundo na nga ang Pilipinas at bansa Turkey para sa paggawa ng nasabing T129 ATAK Helicopter. na bumibilang ng 6 o higit pang mga units nito.
No comments:
Post a Comment