Naaalala nyo pa ba?, ang Blackhawks ng Pilipinas?... Sa Panahong ginagawa ang videong ito, May roon ng anim na aktibong units na S70i Black hawks ang Hukbong Sandatahan ng Panghimpapawid ng Bansa...
Makailang beses na rin itong nakikitang naghahatid ng mga medical personnel at vaccine sa gitna ng nagaganap na pandemya. kung saan namataan na rin itong na nagdala ng mga supplies sa mga sundalo sa gitna ng operasyon... na kung saan kadalasan nangyayari ito sa mga lugar na mahirap marating, tulad nalang ng kabundukan at masukal na kagubatan.
Kamakailan lang.. Ibinida ng Kalihim ng Departamento ng Depensa na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana, ang Blackhawk S-70i's na gamit ng Philippine Air Force (PAF), kung saan ito ay kanilang ginagamit sa combat at non combat na mga mission..
Ayon sa kalihim, ang nasabing mga Blackhawks, simula ng ito ay pumasok sa serbisyo.. bumilis ang kanilang pamamaraan ng transportasyon, kung saan malaki ang naitulong nito dahil nga, halos doble ang kapasidad nito kesa sa pinalitang huey helikopter. At higit sa lahat malaki rin ang naiambag ng moderno at advance ang flight systems nito dahil nga kaya nitong magpalipad kahit na sa madilim at masama na panahon.
Sinabi rin ng kalihim na ang natitira pang sampu sa disi sais na 16 units ng blackhawks, ay inaasahan namang makakarating sa mga susunod na buwan ng taong ito.
No comments:
Post a Comment