Tuesday, May 25, 2021

Unang Dalawa sa Anim na Pirasong T129 ATAK Helicopter Parating Na?

Matapos nga mapagkamalang fake news ang balitang Lusot na ang Pilipinas sa pagbili ng T129...  e mukhang madadagdagan naman ang pagiging mausisa ng mga ususero...

Eto ay matapos na magpagalaman na ang Departamento ng Depensa Pilipinas... ay matagal na palang nakapila para sa pag kuha ng T129 ATAK Helicopter... di lang natuloy dahil nga sa ang makinang gagamitin nito, ay nakalisensya sa Estados  Unidos.

Kung inyong maalala maka ilang beses na rin tayong tinutulan ng Estados  Unidos sa pagbili ng kanilang Military Equipmets, kung saan kasama na dito ang pag kuha natin ng T129.

Ayon sa  isang source nagsimula daw ito ng ang Turkey ay kumuha ng S400 missile na gawa ng Russia. kung kayat bilang ganti e ipinahinto ng amerika ang paggamit nito sa kanilang makina...

Ngunit, sa di inaasahang pagkakataon, matapos ang pagkahaba haba na paghihintay.  sa wakas pumayag na rin ang estados unidos na magamit ng Pilipinas ang kanilang makina gagamitin para sa kukuhaning T129.

Ayon nga sa Kilihim ng Depensa ng Pilipinas na si Secretary Delfin Lorenzana. Nakapag order na tayo ng anim na pirasong T129 ATAK helicopter. Kung saan humigit kumulang Php13.8 Bilyong Piso ang nakalaang budget para sa nasabing attack helicopter.

Sa Panahong ginagawa ng videong ito. ayon sa kalihim. Inaasahan makararating na sa Septembre ng taong ito,  ang unang batch na dalawang T129. at ang natitirang apat ay maidedeliver naman sa susnod pang mga taon..


No comments:

Post a Comment