Alam nyo bang may naghihintay na dalawang 94 meters Multi Role Response Vessels o MRRV ang Pilipinas... at ang isa nga dito ay ilalapag na sa tubig matapos na mabuo ang buong Hull ng barko.
Maaalalang ang paggawa ng nasabing mga barko ay iginawad sa MITSUBISHI HEAVY INDUSTRIES kung saan ang kasunduan ay pinirmahan nuong February 7, taong 2020. ang dalawang 94 meters na MRRV ay nagkakahalaga ng tumataginting na 132.57 milyong dulyar, kung saan ito ay natugunan gamit ang tulong pinansyal ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Kamakailang lang nitong december ng taong 2020, sa presensya ng mga opisyal ng MITSUBISHI HEAVY INDUSTRIES at Japan International Cooperation Agency (JICA) naganap ang seremonya na magsisibulong ng paguumpisa ng pag gawa ng 94 meters Multi Role Response Vessels ng bansa.
Kung saan di nga nagtagal, isa sa 94 meters na MRRV.. ay ilalaunch sa July ng taong kasalukuyan (2021).
Inaasahan namang makukupleto ang mga barko na ginawa sa Shimonoseki Shipyard & Machinery Works sa taong mga 2022.
No comments:
Post a Comment