Monday, May 31, 2021

Representante ng Pilipinas Tumulak sa SOKOR Para sa Kukuhaning Submarino ng Pilipinas

Matapos nga na makailang beses ng pagdalo ng ating representante sa ibat ibang bansa para sa kaunaunahang submarino nito.

E mukhang mayroon na namang kumpanyan na pumapasok para ialok ang kanilang pambatong submarino.

Eto ay ng ang ating representante ay dumalo sa Daewoo Shipbuilding & Marine Engineering (DSME) ng South Korea, Kung saan Kasama sa pagdalo ang makita ang Korean Navy’s submarine workshops at training facilities nito.

Sinasabi rin na magkakaroon ng Submarine Education and Training Program. Kung di lang dahil sa Covid 19 na pandemya ay di sana naudlot ang nasabing pagsasanay. Anya Regular naman ang Navy to Navy talks ng bawat bansa patungkol sa  usaping submarino. 

Kung inyong matatandaan, ang bansang South Korea ay nagumpisa ng magexport ng kanilang submarino nuon pang 2011 at isa nga sa kanilang masugid na kliyente ay ang indonesia, kung saan tatlo sa kanilang submarino ay gawa sa naturang bansa.

Ang inaalok Ng Republika ng Korea ay ang 1,400 ton na Submarine nito, na nasa ilalim ng kanilang "Total Solution Package". Kung saan kasama na dito ang crew-training at ang soft-loan para sa financial na kasiguruhang na magpapatuloy ang proyekto.

No comments:

Post a Comment