Ang Sampu pang natitira sa 16 units na S70i Blackhawk Helcopters ng Plipinas, ay naka schedule na dumating... eto a matapos na ianunsyo mismo ng Kalihim ng depensa ng bansa na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon sa kalihim ang schedule ng delivery ng air assets na nabili natin sa Poland ay nasa tamang direksyon.
Anya ito ay matapos na paunang makarating ang unang anim na piraso nito nuong Nobyembre ng taong 2020. malaki na ang naiambag nito ng ito ay pumasok sa serbisyo, kung saan madalas itong mamataang na naghahatid ng mga bakuna para sa covid 19 at maging mga sangay ng pamahalaan at military officers.
Ang nasabing air assets na nabili sa Poland na nagkakahalaga ng tumataginting na $241 Million para sa kabuang disi sais na S70i BlackHawk helicopter.
At ayon nga sa Kalihim ng Depensa ng bansa, sinabi nya mismo na ang lima S70i ay makararating na, sa buwan ng July, habang ang natitira pang lima ay maidedeliver sa buwan ng September taong kasalukuyan (2021).
No comments:
Post a Comment