Matapos nga bumisita ang ating representante sa South Korea para paunlakan ang isang imbitasyon para sa isang Military Program nito.. napagalaman na isa sa mga pinag usapan ay ang pagkuha ng Missile Armed Corvette ng Pilipinas..
Ito ay ayon mismo sa tagapagsalita ng depensa ng bansa na si Spokesperson Arsenio Andolong. Ang nasabing Procurement bukod nga sa submarinong kukuhanin, malaking posibilidad na kasama na rin sa programa ang Acquisition ng Missile Armed Corvettes.
Anya ang pag uusap sa pagitan ng dalawang bansa ay naka turo patungo sa direksyon ng Military Cooperation na tulad ng pag kuha Submarino at Corvettes.
No comments:
Post a Comment