Friday, June 4, 2021

16 Units na Mi 171 Heavy Lift Helicopter ng Pilipinas at Isang Libreng VVIP Helicopter Lusot May Libre Pang Isa

Isang matinding rebelasyon ang aasahan, matapos nga dumating ang isang balitang ikagugulat nyo.

Eto ay matapos na ang presidente ng Pilipinas at Russia ay nag usap sa Telesummit. Kung saan ang pag uusap ay naging matagumpay. dahil nga bukod sa dunasyong Bakuna na SputniK V ibinigay ng bansang Russia, e mukhang meron pang isang balita, na talaga namang ikatutuwa nyo.  

Ang Heavy Lift Helicopter Acquisition ng bansa na dati ay pinapangarap lang ngayon ay magiging katotohanan na. Matapos nga na mismong inanunsyo ng ating mahal na presidente na ang 16 units na Mi-171 Helicopters ay positibong makukuha ng bansa. 

Maaalalang nagkaroon ng paguusap ang dalawang bansa patungkol sa pagkuha ng heavy lift helicopter, kung saan nuong March 20,2020 ang deligasyon ng pilipinas ay tumulak sa bansa russia upang makita mismo ang nasabing kukuhaning Helicopter.

At matapos nga ng pagbisita, ang department of Budget and Management ay nag released agad ng 15% downpayment na nagkakahalaga tumataginting na Php 1.9 Billion. Kung saan ang kabuuang babayan para sa 16 units ng Mi-171 na gawa sa bansang Russia ay nagkakahalaga ng Tumataginting na Php 12.8 Billion kasama na dito ang libreng VVIP helicopters para sa presidente.

Inaasahan naman,na ang kukuhaning Mi 171 Heavy helicopter, kapag napirmhan na ang kuntrata, anya ito ay makakarating sa bansa sa lalong madaling panahon

No comments:

Post a Comment