Tuesday, June 8, 2021

Dumating na Ang Karagdagang Blackhawks ng Philippine Air Force

Mukhang bumabaha nanaman tayo ng mga balita, patungkol sa blackhawks na binili ng Pilipinas mula sa bansang Poland.

Ito ay matapos na, may mga imahe na kumakalat sa social media, ng ang isang eroplano na naglalabas ng mga helicopter kanyang harapan.

Ang nasabing eroplano ay walang iba kundi ang Antonov  An-124 100M. na  kalalapag lang sa Clark Air Base sa Pampanga, nitong lunes ng June 7, taong 2021.. 

Minsan narin itong naghatid ng unang batch ng limang pirasong Blackhawk helicopter, nuong nakaraang December 10, ng taong 2020 , at sa muling pagpapakita nito. mukhang ito na ang hudyat ng panibagong delivery na naman blackhawks.

Sa kabila nga lahat, hindi nga tayo nga nagkamali.. matapos kumpirmahin mismo ng Philippine Air Force na ang laman ng nasabing karating lang na Antonov  An-124 ay ang ikalawang batch ng limang blackhawks.

Ang nasabing mga Blackhawks ay inaasahan dadating pa sa buwan ng July taong 2021, ngunit sa hindi malamang kadahilan ito ay dumating ng June 7 taong kasalukuyan, mas maaga ito ng isang buwan mula sa orihinal nitong schedule.

Ang natitira namang ikatlo at huling Batch ng Limang (5) Blackhawks, ay inaasahang dadating, bago o sa katapusan ng September taong Kasalukuyan.

Sa panahong ginagawa ang videong ito, tayo ay may labing isang Blackhawk S70i Helicopter na, kung saan Limang piraso nalang ang kinakailangan para makumpleto ang buong disi sais (16) na bilang ng Blackhawks ng Pilipinas na binili mula sa bansang Poland.

No comments:

Post a Comment