Monday, June 14, 2021

24 Units ng A-29B Super Tucano ng Pilipinas Inaasahang Makukumpleto

Isa Magandang Balita na naman ang ating nasagap. Ito ay matapos na ang Philippine Air Force ay inaasahan ng magkakatangap muli ng karagadan pang A-29B Super Tucanos. 

Maaalalang ang anim (6) na unang batch ng super tucano ay dumating sa bansa nitong nakaraang Oktubre ng nakaraang taong 2020. Kung saan ito ay kinumisyon sa ilalim ng serbisyo ng 15th strike wing ng Philippine Air Force...

Ayon sa panibagong kumakalat ng balita. At ayon narin sa ating pinagkakatiwalaang source... Bukod sa anim (6) na super tucano na meron tayo sa ngayon. inaasahan na isang dosena (12) pa na karagdagang super tucano ang makarating sa bansa sa taong 2022. at susundan pa ito ng anim na piraso sa taon naman ng 2024... kung saan ang magiging kabuuang bilang ng nasabing eroplano gawa sa brazil ay aabot ng Bente Kwatrong (24) Piraso na A-29B Super Tucanos..

Ang nasabing Acquisition ng Super Tucano ay nakapaloob sa Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (AFPMP). Kung saan tinatayang higit isang dekada ang aabutin ng nasabing proyekto. Kung saan ito nga ay inaasahan magtatapos sa taong 2024. 

No comments:

Post a Comment