Thursday, July 8, 2021

Bumagsak na C130 Mapapalitan ng Bagong C130J Super Hercules At Marami Pa

Sa Kabila ng sunod sunod na trahedya nararanasan ngayong ng Hukbong Panghimpapawid ng Bansa. na kung saan kamakailan lang, ang bagong S70i Blackhawk na may (6) anim na katao ang sakay ay di pinalad na makaligtas ng ito ay bumagsak, at sa di inaasahang pagkakataon sinundan naman ito ng pagsadsad ng  C130 kung saan hindi baba sa (52) limamput dalawang katao ang nagbuwis ng buhay.

At dahil nga dyan. Ayon sa Kalihim ng Depensa ng Bansa na si Secretary Delpin Lorenzana. Ang Hukbong Panghimpapawid ng Bansa ay inumpisahan na ang pagbabago ng pamantayan para hindi na nga maulit ang malunoslunos na trahedya na dinanas ng Hukbo nitong mga nakaraang buwan.

Sinasabi ring bukod sa mga pagbabago. Lalo pang pinaigting ng nasabing Departamento ang pagbili ng bagong mga air assets at equipment nito. Kung saan anya ang programa ay nakalinya na para sa pag acquire ng (2) Dalawang brand new na C-130J Super Hercules, (3) Tatlong Airbus Tactical Airlift C-295 at (4) na NC-212i Light Military Transport Aircraft.

Ang mga nasabing Air Assets ay inaasahang makukumpleto sa matapos ang Horizon 2 Revised Armed Forces of The Philippine Modernization Program, Kung saan (70%) Pitong pu hanggang (80%) walong pung pursyento ng programa ay inaasahan matatapos ng taong 2022.

No comments:

Post a Comment