Saturday, July 10, 2021

Kung Di Dahil sa Kanila Masmarami pa ang Nasawi sa C130 Crash

Bukod nga sa kabayanihang  ipinamalas ng ating CAFGUS at Kapulisan sa gitna ng aksidentang pagsadsad ng C130 Kamakailan lang. E mayroon pang isang Grupo na sa kabila ng pagkakaiba iba ng paniniwala at relihiyon dahil sa kanilang ipinamalis di parin maikakaila na iisang lahi lang ang ating pinanggalingan.

Ang nasabing mga bayaning maituturin, na walang alinlangang tumakbo, para matulungan ang mga sundalong sakay ng sumadsad na eroplano, ay walang iba, kundi ang ating kababayang Tausog na kung saan sila ang isa sa mga namataan na dali dali tumakbo para maisalba ang ating kaawang sundalo na nasadlak sa di inaasahang aksidente.

Sinasabi ring makailang beses na nakitang pabalik balik ang grupo sa nasusunog na eroplano. Kung saan di mabilang na sundalo ang kanilang naisalba. sa kabila ng panganib na maaaring maidulot ng nasusunog na eroplano ay di parin alintana ng ating kababayang tausog, na muling bumalik, para lang makatulong ating kasundaluhan sa gitna ng malagim na aksidente.

No comments:

Post a Comment