Sunday, August 8, 2021

Mga Missiles at Ammunition ng Jose Rizal Class naka Schedule na ang Pagdating

Isa na namang mabuting balita ang muling ihahatid namin sa inyo. Ito ay ng ang Philippine Navy ay naglabas ng Artikulo patukol sa Procurement ng Ammunition ng Missile Frigate nito sa kanilang opisyal na Pahayagan.

Anya, sinasabing kasama na nakalathala sa artikulo ang missiles ng Jose Rizal Class na bibilhin ng Philippine Navy, kung saan ito ay nahahati sa tatlong klasipikasyon ng Procurement o pagbili. 

Ang una, ay ang Platform na may Launchers, na kung saan ito nakumpleto na, matapos nga ng ang Dalawang Frigate, na BRP Jose Rizal ay dumating nitong July 10, 2020 at ang BRP Antonio Luna na dumating naman ng March 19, 2021.

Ang Ikalawa, ay ang Missiles At Ammunition, ito naman ay nahahati sa Apat (4) na Sub-lots. 

Ang Lot 2A ay ang pagkuha ng Surface to Surface Missiles na inaasahan na darating sa 1st Quarter ng taong 2022.

Ang Lot 2B ay ang procurement ng Surface to Air Missiles na malapit ng dumating matapos nga ng ito ay nakalista sa target completion nitong 4th quarter ng Taong ito (2021) . 

At ang Lot 2C Sublot-1 naman ay ang pagkuha ng 76 milimeter Ammunition kung saan ito ay nakumpleto na matapos dumating nitong January ng taong kasalukuyan (2021).

Habang Ang Lot 2C Sublot-2 ay ang procurement ng 30 milimeter Ammunition na inaasahang makararating sa 2nd Quarter ng taong ito.

Ang Pangatlo at huling klasipikasyon ng pagbili ay ang Torpedoes at Countermeasures. Kung saan ito ay nahahati sa tatlong Sublots. Ang Lot 3A ay ang Torpedoes. Ang Lot 3B ay ang Chaffs. At ang Lot 3C ay ang Acoustic Decoys. Ang nasabing Procurement ng Torpedoes at Countermeasures ay nasa proseso pa ng bidding process. 

Matapos nga ng pagsasapubliko ng nasabing artikulo. Inaasahan na sa mga dadating na panahon, ang mga nakalista sa nasabing artikulo ay maisasakatuparan.

No comments:

Post a Comment