Wednesday, August 11, 2021

Panibagong Warships ng Philippine Navy Lumusot Na?

Tulad nga ng ating naibalita nitong nakaraan. na ang Executive Vice President at Director ng Marketing at Sales ng kilalang Shipbuilder na Hyundai Heavy Industries ay namataang dumalaw sa Pangunahing Naval Base ng Philippine Navy.

Makikita na matapos nga na ang pagdalaw na kung saan nagkaroon ng masinsinang pag-uusap, sa pagitan ng kilalang shipbuilder ng bansang South Korea at hukbong sandatahan ng bansa. ay masasabing ayon na rin sa ating naibalita nitung nakaraan, isa sa na pag usapan ay patungkol nga sa ating bagong warships na bibilin.

At ayon nga sa ating panibagong nakalap na balita, isa sa mga pinagpiliin ay ang HDC-3100 na desinyo ng Hyundai Heavy Industries. Ito ay may habang 114 meters,at lapad na 14.8 meters. Kung saan di hamak na mas mahaba at malapad ito sa Jose Rizal Class. Sinasabi ring  ang HDC-3100 ay may 16 vertical launcher system na kung saan kalahati lang nito o walong vertical launcher lang ang meron ang Jose Rizal Class na Missile Frigate ng Navy.

Bagamat may kalakihan nga ito sa kasalukuyang Missile Frigate ng Philippine Navy. halos kapareho naman ng Jose Rizal Class ang subcomponents nito na maikakabit. Marahil ilang nga sa katulad na components ay ang Oto Melara Super Rapid 76 milimeter gun. Anti-Ship Missiles SSM 700K C-Star. at Torpedoes na tulad nalang ng K-745 Blue Shark.

Matapos nga ang paguusap ng HHI at Philippine Navy inaasahan naman na sa katapusan ng taong ito mapipirmahan ang kontrata para sa dalawang warships. kung saan sa dadating naman na taong 2022 hanggang 2023 ang posibleng pagtatapos ng konstraksyon ng mga nasabing bagong kukuhaning warships.

No comments:

Post a Comment