Friday, August 13, 2021

Brahmos Missile Nga Ba Ang Ilalagay sa Jose Rizal Class?

Panibagong balita na naman ang hatid namin sa inyo. Ito ay matapos nga na ilan sa ating acquisition ng mga ammunition para sa dalawang makabagong Frigate ng bansa ay unti unti ng naidedeliver. Kung saan kasama nga dito ay ang missiles na ikakabit sa Jose Rizal Class. 

Bagamat meron ng listahan ng Schedule ng Pagdating ang mga Missile ammunition na bibilhin. Sa ngayon, di pa rin maidetalye kung ano at kanino ito kukuhanin.

Maaalalang nitong nakaraan. Naibalita natin ang listahan ng Kukuhaning Ammunition para sa Missile Frigate na Jose Rizal Class. Kasama nga dito ang listahan ng Schedule ng Pagdating ng Missiles na gagamitin sa nasabing Warships. 

Isa nga sa mga posibleng pag pipilian ay ang Anti-Ship Missiles SSM 700K C-Star na gawa sa bansang South korea. Habang di naman maikakaila na malaki rin ang maisama sa listahan ang Brahmos supersonic missile.

Bagamat ang pinag uusapang kukuhanin ng pilipinas na missile sa bansang india nitong nakaraang taong 2020. Ay dalawang mobile batteries ang inaasahan na mapupunta sa Philippine Army. Para sa Land-Based Missile System nito. 

Malaki naman ang maitutulong nito kung ang nasabing Missile na gawa sa India ay mailalagay din sa barko. Kaya't di pa rin maiiwasan na posible ngang bukod sa unang napagusapan. Marahil kasama nga sa napagusapan ang Brahmos na Ship Based para na pupwedeng ilagay sa Missile Frigate ng Philippine Navy. 

Matapos nga ng pagkakaroon ng development paras pagkuha ng Missiles. Asahan na sa mga susunod na araw ay magkakaroon na rin ng liwanag kung ano ba talaga ang kukuhaning missile ng Philippine Navy sa Missile Frigate na Warship nito.

No comments:

Post a Comment