Saturday, August 14, 2021

Acoustic Decoys at Chaffs na Ilalagay sa Jose Rizal Class Lusot

Kamusta mga kapatid, Isa na namang mabuting balita ang aming ihahandog sa inyo. Kung saan ang balitang ito ay kapapasok pasok lamang.

Ayon sa ating source, Ang Chaff at Acoustic Decoys ng Dalawang Missile Frigate ng Bansa, ay may ilang buwan na palang na iaward sa dalawang kumpanya na kung saan kilala pagdating sa teknolohiyang pang militar.

Kung inyong maaalala, makailang beses na nating itong naibalita, kung saan isa nga sa mga ito, ay ang balitang patungkol sa listahan ng Acquisitions para sa Armaments at Ammunitions ng Jose Rizal Class.

Bagamat ilan nga sa mga ito ay kumpleto ng naideliver, at ang iba naman ay paparating pa lang, Meron namang isang balita, na kung saan, nakalusot na, sa Bidding Process. Kung saan ito nga ang Acoustic Decoys at Chaffs ng Missile Frigate Philippine Navy.

Ang Notice Of Award ng Chaffs, ay naibigay sa Kumpanyang Rheinmetal Denel Munitions na mula pa sa Bansa sa South Africa. Ang kontrata para sa Chaffs ay nagkakahalaga ng tumataginting na Tatlong daan Apat na put  walong milyong piso (PHP348 million) o 6.96 Milyong Dulyar. kung ito ay sa palitan na Singkwenta Pesos kada isang Dulyar. Anya, mas mababa ito ng 2 milyon kumpara sa orihinal na presyo ng kontrata na aabot sa 350 milyong piso.  

Habang ang kontra ng Acoustic Decoys naman ay napunta sa kilalang French Company, na Naval Group. Tinatayang 6.3 milyong Euro (EUR6.3 million)o tumataginting na Tatlong daan Anim na put walong Milyong Piso (PHP348 Million). kung ito ay sa palitang na 58.16 na piso laban sa Euro. Masasabi naman na lubhang mababa ito kumpara sa 450 milyong piso na budget para sa Acoustic Decoys.

Sa ngayon di pa malaman, kung anong modelo ng chaffs at Acoustic Decoys ang bibilhin. Ito ay dahil narin siguro sa kasigurahan na malaman nga, ang mga gagamiting counter measures ng Jose Rizal Class.

Ngunit anya ang posibilidad na mapili na chaffs, ay ang nagngangalang Bullfighter Decoy System, ito ay sa kabila nga ng ito lang ang nag iisang may pinagsamang Radio Frequency (RF) at Infra-Red (IR), Na kung saan kasamang nakalista sa requirements ng Philippine Navy.

Habang ang sa Acoustic Decoys naman na malaki rin ang posibilidad na mapili ay ang CANTO Acoustic Decoy. dahil nga sa ito lang ang nakikitang ina-advertise sa opisyal na Website ng Naval Group.

Inaasahan naman, na matapos nga ng Notice of Award.  makikita natin ng personal ating nabilhing counter measures mula nga sa mga nasabing bans

No comments:

Post a Comment