Monday, August 16, 2021

Dalawang AH-1S Cobra Attack Helicopter at Isang W-3 Sokol Helicopter Namataan sa Pampanga

Kamakailan lang meron isang imahe ang nakuha ang ating tagapag saliksik. Ano kaya ang nasabing imaheng ito, at mukhang isa na namang kapa nabik nabik ang ating malalaman.

Ang nasabing imahe ay namataan mga ilang araw na ang nakakalipas. ayon sa petsa ng nasabing source ito ay nuong Agosto adyis taong kasalukuyan (August 10, 2021). Lumalabas na ang namataang imahe ay kinabibilangan ng tatlong uri rotary-wing aircraft.

Sinasabing ang tatlong helicopter na namataan ay ang dalawang (2 units) Cobra Attack Helicopters at, isang (1 units) W-3 Sokol Combat Utility Helicopter. Naganap ang nasabing kapanabik nabik na imahe sa di malamang lugar sa Pampanga.

Anya, sinasabi nga na ang mga helicopter ay nagmula anya sa Philippine Air Force. di pa rin maikakaila, na baka nga ang dalawang Cobra Helicopter na namataan, ay ang dalawang AH-1S Cobra Attack Helicopter na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Philippine Air Force.

Kung Inyong Maaalala, kamakailang lang, nitong Nobyembre a bente sais ng taong 2019 (November 26, 2019), isa nga sa dalawang inaasahang Bell AH-1S Cobra Helicopter ang sakay ng Antonov Cargo Plane ang Lumapag sa Clark Air Base, Lungsod ng Pampanga. Habang ang natitirang isa sa kabuuang dalawang Cobra Attack Helicopter na donasyon ng Bansang Jordan ay makararating naman sa mga susunod pang mga buwan.

Di kaya, marahil, ang pangalawa sa nasabing Cobra Attack Helicopter, ay dumating na pala sa bansa, kung saan, marahil ito nga ang namataan sa nasabing imahe galing sa ating source.

Bagamat wala pang kongkretong kumpirmasyon. ang imahe na namataan sa pampanga, ay di maikakaila na posible nga na ang isa sa kinikilalang most lethal attack helicopters sa mundo, ay mukhang ginagamit na at napapalipad na nga ng ating hukbong pang himpapawid.

Sa Panahong ginagawa ang videong ito. Inaasahan naman  na sana ay magkakaroon pa tayo ng mas marami pang footage ng Bell AH-1S Cobra Helicopter ng Philippine Air Force.  

No comments:

Post a Comment