Isang panibagong balita na naman muli, ang inyo na namang ikatutuwa. Ito ay ng ang isang departamento ay binigyan ng liwanag ang ating pagkuha ng panibagong Asset para sa Philippine Navy.
Ayon sa ating matinik na tagapanaliksik, Anya, ang Fast Attack Interdiction Craft Missile o (FAIC-M) Acquisition Project ng Philippine Navy ay inisyuhan na ng Department of Management ng Special Allotment Release Order o (SARO).Maaalalang nitong nakaraang adose ng Mayo taong kasalukuyan (May 12, 2021), Naibigay ang Notice of Award sa Kilalang Shipbuilder mula sa Israel na Kung tawagin ay Israel Shipyard. kung kayat sumunod nga nito ay nagkaroon ng pirmahan sa pagitan ng Pilipinas at nasabing Shipbuilder na Israel Shipyard, kung saan Inaasahan walong pirasong Shaldag Mark V patrol craft ang inaasahang gagawin nito, kasama nga dito ang isang pirasong libre, na kung bibilangin nga ay aabot nga ito ng kabuuang siyam na pirasong Mark V Shaldag na Fast Attack Interdiction Craft.
At matapos nga nito sunod naman na narelease, ang Special Allotment Release Order o (SARO) sa nga ng Department of Management para nga mapondohan ang tinatayang sampung bilyon pisong kabuuang halaga ng proyekto. na kung saan ito ay nahahati sa dalawa (2). Ang isa, ay ang pag a-upgrade ng Cavite Naval Shipyard para matugunan requirements para sa pagbuo ng locally made Shaldag Mark V. At ang ikalawa naman, ay para sa acquisition ng missile launching systems at iba pang weapons na ikakabit sa nasabing patrol craft.
Sinasabing ang Apat (4) sa kabuang siyam (9) na kukuhaning Shaldag Mark V, ay aarmasan ng (N-LOS) o Non Line of Sight Missiles. Habang ang matitira naman, ay malalagyan ng Remote Controlled Weapon Station o (RCWS) kasama na rito ang Machine Guns sa magkabilang gilid ng barko.
Ang nasabing kukuhaning Fast Attack Interdiction Craft na may kabuuang siyam (9 units) na piraso, ay inaasahang makikitang nasa hanay na ng Asset ng Philippine Navy sa mga susunod na buwan.
No comments:
Post a Comment