Friday, August 20, 2021

Kuta ng Mga Rebeldeng Terorista Di Nakatago Sa Drone Ng Philippine Air Force

Kamakailan lang, isa na namang balita ang kumakalat sa social media. Ito nga ay ng ang makabagong drones na binili ng pilipinas mula pa sa bansang israel. ay nagpakita ng kagalngan pagdating nga sa paghahanap, Matapos nga ng madiskubre mismo nito, ang pinagkukutaan ng mga rebeldeng komunista, sa isang liblib na kagubatan na parte ng Silangan bahagi ng Visayas.

Kung inyong maaalala, ang pilipinas ay bumili ng makabagong drone, bilang parte ng Unmanned Aerial Systems Level 3 Acuisition Project. sa ilalim ng Horizon 2 Revised Armed Forces Of the Philippines Modernization Program. Kung saan tinatayang siyam (9 units) na pirasong Hermes 900 unmanned aerial vehicles, at apat na pirasong(4 units) Hermes 450 medium altitude long endurance unmanned aerial vehicles, kasama ang Ground Control System at iba pang Support Equipment nito, Ang Kumpletong ginagamit ngayon ng 303rd Aerial Reconnaissance Group of the 300th Air Intelligence and Security Wing ng Philippine Air Force.

Ayon nga sa ating nakalap na balita. Malaki Anya, ang naitulong ng nasabing Unamanned Aerial Vehicles sa nasabing Operasyon. Matapos nga ng ito ay magamit bilang mata ng 8th Infantry Division o kilala bilang Storm Troopers Division ng Philippine Army.

Anya, lumalabas na ilang  linggo na palang sinusuyud ng Drone ang ilang parte ng kabundukan sa Silangang bahagi ng Visayas. Kung saan anya, na walang humpay naman ang paglipad nito para obserbahan ang mga rebelde na labas masok nga sa kanilang pinag kukuta sa masukal na kagubatan ng Dolores sa Eastern Samar.

Matapos nga na mapag aralan ang galaw ng kalaban. at dahil nga ang nasabing ang kuta ay napapalibutan ng patibong na bomba. napagdisiyunan ng tagapagpatupad ng nasabing misyon na bago nga pasukin ang kuta, ay bagsakan ito ng precision munitions o Smart bombs, gamit ang FA-50 Fighter Aircraft ng Philippine Air Force.

Matapos nga ang bakbakan, Di ba baba sa labing anim na katawan (16 bodies)ang natagpuan, kung saan labing dalawa (12) dito ay kalalakihan habang apat (4) naman sa mga rebeldeng nasawi ay mga kababaihan. Habang sa panig naman ng kasundaluhan ay wala naulat na nasawi. Sinasabi naman na ilan sa mga ito anya, ay nakikilala bilang high-ranking leaders ng nasabing mga rebelde.

 

No comments:

Post a Comment