Ayon nga sa ating panibagong balita, Lumalabas nga ang Philippine Navy(PN) ay kapansin pansin ang pagbilis ng kakayahan nito pagdating nga sa maritime warfare. Ito nga ay ng matapos makitang kasama ang ilan sa warships at aircraft ng Hukbong dagat ng Pilipinas sa ginawang pagsasanay na kung tawagin ay Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT) 2021.
Ayon sa ating tagapanaliksik, Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng sampung ibat ibang klaseng warships kasama ang higit kumulang na 400 na mga personnel nito mula nga sa bansa sa Southeast Asia. Ang nasabing pagsasanay anya, ay nagnanayong pagbutihin ang kakayahan ng mga nasabing bansa pagdating sa sama samang pagbabantay para sa kasiguruhan ng karagatan at matugunan ang banta dito, na tulad nalang ng piracy, smuggling, at iba pang iligal na gawain sa dagat.
Ayon nga kay Colonel Antonio Mangoroban ng Naval Forces West ng Philippine Navy. Nag simula ang pagsasagawa ng iba't ibang klaseng pagsasanay sa hilagang karagatan ng Palawan hanggang sa silangang baybayin ng Puerto Princesa sa karadagatang bahagi ng Sulu.
Kung saan sinasabing ngang namataang kasama ng ang ilang vessels at aircraft ng Philippine Navy, na tulad nalang ng BRP Nestor Reinoso (PC-380), Agusta Westland (AW) 109 multi-purpose helicopter, Islander aircraft, at ang bago nitong missile-capable frigate na BRP Antonio Luna (FF-151).
Anya, malaki ang naitulong nito, dahil nga, sa tulong ng mga ganitong klaseng kaganapan ay nagagamit ng Hukbong Dagat ang kakayahan nitong makabagong sistema na C4ISR, o kung tawagin ay Command, Control, Communications, Computers, Intelligence, Surveillance at Reconnaissance Operations. At bukod pa riyan napaigting din Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Navy, Ang kanilang surface tracking, aerial surveillance, coastal radar, and automatic identification system (AIS).
No comments:
Post a Comment