Isa na namang kapapasok na balita. Philippine Air Force pinasilip ang kanilang dinidebelop na Guided Rocket.
Ayon nga sa ating matitinik na tagapagsaliksik. sinasabi na ang guided rocket ay namataan sa Crow Valley Gunnery Range o mas kilala bilang Colonel Ernesto Rabina Air Base. kung saan ang nasabing Guided Rocket ay sinubukang paliparin sa tulong narin ng R&D Team of Holy Angels University ng Angeles Pampanga.
Anya, ang nasabing proyekto ay nagsimula bilang Research Project ng Unibersidad ng Holy Angel na kung saan ang Philippine Military ay nakuha ang kanilang atensyon, at ng lumaon nga ay magkasama na nilang pinauunlad ang teknolohiya ng nasabing guided rocket.
Bagamat sa ngayon ay di masasabing ito ay perpekto na at pupwede ng gamitin. sinasabing ang teknolohiya sa paggawa ng nasabing guided rocket ay malaki ang maitutulong sa kinabukasan ng Hukbo ng Pilipinas.
Matapos nga na masilip ang nasabing idinidebelop na guided rocket.Inaasahan naman sa mga darating na buwan o taon ay makakakita na tayo ng mas improve o di kaya ng finish product ng Missile o Guided Rocket na kung saan masasabing gawa na sariling atin.
No comments:
Post a Comment