Thursday, August 26, 2021

Susunod Na Pinakamalaking Satellite Na Gawang Pinoy Inihahanda Na

Muli, isa na namang kapapasok na balita. Ang Philippine Space Agency o (PhilSA) ay naghahanda para sa paglaunch ng kaunaunahan nitong pinakamalaking satellite na gawa ng pinoy.

Ayon sa ahensya, ito ay tatawaging MULA. o Multispectral Unit for Land Assessment. Anya, ang nasabing pinakabagong Earth-observation satellite, kung saan aabot ng higit kumulang na 

100,000 kilometro kuwadradong kalupaan ang kayang kuhanan ng lente nito araw-araw. bukad dyan, sinasabi rin na ang satellite na gawang pinoy ay may TrueColor camera na kayang ngang makakuha ng 5m resolution images na may malawak na swath width na aabot ng 120 kilometro.

Ang nasabing MULA satellite, ay dinisenyo sa tulong ng Surrey Satellite Technology Ltd (SSTL) isang kilalang kumpanya sa britanya. ito ay may bigat na 100 hanggang 150 Kilogramo.

Sinasabing malaki ang maitutulong ng nasabing satellite sa larangan ng pagmomonitor ang national security, agricultural productivity, disaster, at coastal and ocean studies. 

Anya, kung ikukumpira sa DIWATA 2 sa MULA satellite. Higit na  doble ang bigat at higit na mas malaki at mas maraming payload ang nakabit sa nasabing susunod na pinakamalaking satellite na gawa ring pinoy.

Inaasahan naman na mai dedeploy ang nasabing susunod na Pinakamalaking satellite na gawang pinoy sa susunod na mga taon. 

No comments:

Post a Comment