Isa na namang kagulat gulat na balita ang muli naming ihahatid sa inyo. Ito ay matapos na ang isang opisyal ng Space Agency mula sa United Arab Emirates at ang Ambassador ng Pilipinas sa naturang bansa, ay nagkaroon ng isang pag-uusap. kung saan sinasabi nga na ang pagtatag po nang dalawang magkabilang panig., ay may ugnayan patungkol sa sinasabing kooperasyon ng pagpapaunlad ng kanya kanyang space program.
Ayon nga sa ating ambassador mula sa Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates, na si Miss Hjayceelyn Quintana. Ang magkasamang pagtutulungan pagdating nga sa pagpapaunlad ng Space Sector, ay isa lang sa mga marami pang hakbang, para sa pagpapayabong ng mabuting ugnayan ng dalawang bansa. na pinatunayan naman, matapos nga ng markahan nito ang ika 47-taong bilateral na ugnayan ng Pilipinas at UAE.
Ang parehong bansa, ay kapwa naghahangad na maitala sa listahan ng mga bansang kilala, pagdating sa pagpapaunlad na tulad nalang ng space exploration.
Anya, ang pagtutulungan ng pagbuo ng isang Space Sector ay makakatulong upang lumikha ng highly skilled local talent, bumuo ng mga industriya at mapalago ang isang ekonomiya na nakabatay sa kaalaman.
Matapos nga ng nasabing paguusap, inaaasahan naman, na isa nga ang Pilipinas na makaka samang tutulong para sa pag didevelop ng Kauna unahang Lunar Rover ng nasabing Arab Country, kung saan ito ay makarating at inaasahang lalapag sa Buwan sa taong 2022.
No comments:
Post a Comment