Saturday, September 4, 2021

Mga Bagong Barko Ng PCG Kasama Ang Isang Vessel Ng US Coast Guard Nagkaroon Ng Pagsasanay

Maaalalang nitong nakaraang Martes, ng ika-31 ng Agosto 2021, nagsagawa ng JOINT MARITIME EXERCISE ang Philippine Coast Guard (PCG) at United States Coast Guard (USCG) sa katubigang bahagi ng Subic Bay, sa Zambales.

Kung saan, ginanap ang isang pagsasanay na tulad nga ng vessel communications, search and rescue (SAR), small boat operation, multi-vessel maneuvering, at emergency response. 

Ito ay bilang paghahanda sakali mang magkaroon ng insidente na tulad nalang ng fire onboard at man overboard.  

Kasama nga sa nasabing TASK FORCE PAGSASANAY ang ilang makabagong vessel ng PCG. na tulad nalang ng BRP Gabriela Silang, (OPV-8301) kilala na pinakamalaking offshore patrol vessel nagawa sa aluminyo, BRP Sindangan (MRRV-4407) at BRP Capones (MRRV-4404) na dalawa (2) sa sampung (10) 10 meters na patrol vessels na brandnew na binili sa bansang japan, kasama rin ang BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) na isa sa dalawang barko na gawa mismo sa pilipinas.

Habang ang airbus helicopter ng Coast Guard Aviation Force na CGH-1451 bilang deck helicopter ng BRP Gabriela Silang, ay namataang paikot ikot din sa nasabing pagsasanay.

Samantala, ang USCG Cutter Munro (WMSL 755) at Unmanned Aircraft System (UAS) nito na Scan Eagle na kumakatawan sa USCG ay isa rin sa mga pangunahing vessel na makikitang kasama rin sa nasabing pagsasanay. 

Anya, ang TASK FORCE PAGSASANAY ay naglalayong pagtibayin ang MARITIME SECURITY at pagbutihin ang LAW ENFORCEMENT INTEROPERABILITY ng PCG at USCG sa malawak na katubigan ng Pilipinas. 

Inaasahan naman na ang nasabing pag-sasanay ay muling mapapalawak, kung saan mananatili ito at mauulit muli sa mga darating pang panahon.

No comments:

Post a Comment