Monday, September 6, 2021

BRP Antonio Luna Namataan sa Kalayaan Islands Nitong Araw Ng Mga Bayani

Isang pambihirang tanawin, ang minsan lang natin makikita. ito ay matapos na ang isa sa Pinaka Modernong Warships ng Bansa ay namataan mismo, sa nag-iisang isla na ilang milya lamang ang layo sa mga islang pinagtataluna.

Makikita sa isang video footage na ang Ikalawang Missile Frigate ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ay malayang naglalayag sa paligid ng Isla ng Kalayaan na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng bansa.  kung saan ilang kilometro nalang ay makikita na nga ang mga islang pinagtatalunan.



Ang nasasabing Missile Frigate ay walang iba kundi ang BRP ANTONIO LUNA FF151. Maaalalang kamakailan lang ay naglayag din ito sa Malampaya Gas Field sa Palawan kung saang makikitang paikot ikot ito sa nasabing Gas Rig Flatform.

Anya, ang nasabing paglalayag sa karagatan ng Kalayaan Group of Islands ay bilang pag alaala at pag pupugay sa ating mga bayani. Kung kaya't bilang araw ng kanilang kabayanihan ang Philippine Navy sa pamamagitan ng pagdalaw ng BRP ANTONIOP LUNA  ay maipaalala nito na ang kabayanihan ay di lang sa pangalan ng tao makikita kundi sa pangalan din ng barko na handang lumaban at muling magbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bawat pilipino.


No comments:

Post a Comment