Isa na namang mabuting balita ang kapapasok lang. Ito ay ng ang isa sa ating matitinik na tagapanaliksik, ay nabalitaan, na ang isa sa sangay ng Gobyerno ay napag alamang kukuha ng higit pa sa isang dosenang eroplano at helicopters, mula sa isang bansa na kung saan kilala rin sa kanilang military power.
Ayon nga sa Philippine Coast Guard, bukod nga sa mga bagong air assets at naval asset na sunod sunod na dumating, ay mukhang meron namang panibagong biyaya ang dadagsa sa kupunan ng departament. Eto ay ng ang nasabing sangay ng gobyerno na PCG ay nagpakita ng interest sa Pitong Coast Guard variant na Helicopters, at walong fixed wing aircrafts.
Anya ang nasabing helicopter na Coast Guard variant na kukuhanin ay walang iba kundi ang gawa sa bansa india na HAL Dhruv Mark-3 kung saan pitong units nito ang inaasahang mapapasakamay ng Philippine Coast Guard.
Habang ang sinasabing Fixed Wing Aircraft naman na Coast Guard Variant na kukuhanin ay ang Do-228s na gawa mula sa nasabing bansa sa asia.
Anya ang Coast Guard version na Dhruv Mk-3 ay ang pinakabagong at highly upgrade improved version ng baseline na Dhruv Mk-1, kung saan ang meron itong nose-mounted surveillance radar at multi-spectral electro-optic (EO) pod. ito ay pupwede rin kabitan ng 12.7-mm machine gun mula cabin-mounted.
habang ang Do-228s na gawa ng Hal o Hindustan Aeronautics Limited ay isang twin-engine general purpose aircraft na may five-blade propeller, kung saan ito rin ay karaniwang naiuuri bilang a Short Takeoff and Landing capable aircraft.
Sa Panahong ginagawa ang videong ito ang detalye ng nasabing acquisition ay di pa rin masabi. ngunit anya, malaki ang tyansa na ito ay mapapasakamay ng PHilippine Coast Guard sa lalong Madaling panahon.
No comments:
Post a Comment