Kamusta na nga ba ang paparating na Attack Helicopter na bagong bili sa bansang turkey.
Kamakailan lang naibalita natin na ang Philippine Air Force, ay nagkasundo na pala sa kukuhaning Attack helicopter, mula sa bansang sa Europa, na kung saan, dati rati ay pinuproblema ng Philippine Air Force kung saan kukuhanin ng makinang gagamitin rito. dahil nga sa pagpataw ng Estados Unidos sa pilipinas na nagresulta ng paghahadlang para sa pagkuha ng makinang naka patent sa kanila. kung saan ito ang pangunahing ginagamit ng nasabing Attack Helicopter.
Bagamat makailang ulit nga na naudlot ang Acquisition para sa T129. Di rin nagtagal ay pumanig din sa Philippine Air Force ang panahon, ito nga ng matapos pumayag ang kongreso ng Estados Unidos na iangkat sa Pilipinas ang LHTEC T800-4A turboshaft engines para sa T129 Attack Helicopter.
Kung kaya't, sumunod nito, isang Grupo ng mga Piloto ng Philippine Air Force, ang napabalitang nakauwi narin, matapos nga ng ito ay magsanay sa bansang turkey para sa pagpapalipad at pagpapanatili ng magandang kundisyon ng kukuhaning T129 Attack Helicopter.
Sa kabila nga ng samut saring pinagdaanan ng nasabing Acquisition. Inaasahan na nga na ngayong buwan ng taong ito (September 2021) ay makakarating sa bansa ang unang batch na Dalawa (2) sa Anim (6) na T129 Attack Helicopter na gawa ng Turkish Aerospace industries.
Ayon nga sa ating tagapanaliksik,sa panahong ginawa ang videong ito, hinihintay pa rin natin ang development ng pagdating ng dalawang T129. at sakali nga na makasagap tayo ng karagdagang impormasyon, ay agad naman namin itong ipararating sa inyo.
No comments:
Post a Comment