Nag-uumpisa na nga bang mag shopping ng Multi Role Fighter Jets ang Departamento ng Depensa ng Pilipinas?.
Ito ay matapos na kumalat sa sosyal media ang isang imahe ng mataas na opisyal ng bansa, na pangunahing namumuno, sa departamentong kilala pagdating sa pangangalaga sa kapayapaan ng pilipinas, ay namataan na nakaupo sa isang simulator ng Jet Fighter, na kasama sa listahan ng pinagpipilian MRF na bibilhin ng bansa.
Ang sinasabing ang opisyal na nakita sa isang imaheng kumakalat sa sosyal media, na kung saan tuwang tuwa matapos nga na magawa nitong mapalipad ang eroplano sa simulation ng F16 Block 70/72 ng walang kahirap hirap., ay walang ibang kundi ang butihing kalihim ng depensa ng pilipinas, na si Secretary Delfina Lorenzana.
Matapos nga ang demonstrasyon, ito nga ang nasambit ng butihing kalihim ng depensa ng bansa: "Mahusay na sasakyang panghimpapawid, ang F16. Napakadaling lumipad. and I even landed it safely. Haha! Sa ngayon, batay iyon sa aking static simulator flight. Salamat, Lockheed Martin, para sa isang kapanapanabik na karanasan".
Ito na nga kaya ang pinangangambahang pagsisimula ng pagbili ng Jet Fighter mula sa Estados Unidos. Bagamat walang opisyal na anunsyo para sa kukuhaning Multi Role Fighter ay inaasahan naman na sa mga susunod nating episode ay makikita na ng ating mga mata ang napiliping Jets Fighter para sa bansa.
No comments:
Post a Comment