Tuesday, September 14, 2021

Makabagong Eroplano Ng Philippine Coast Guard Pinasilip

Isa na namang panibagong balita ang ating matutunghayan. Ito nga  matapos na may isang bagong bago at modernong eroplano ay namataan sa loob ng isang pasilidad ng isang departamentong kilala pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating katubigang baybaying ng bansa.

Ayon nga sa Hepe ng nasabing departamento. bukod sa panibagong karagdagan ito sa aerial asset ng Coast Guard, malaki rin ang maitutulong nito partikular sa pagsasagawa ng mga operasyong tulad na nga ng aerial surveillance, aerial search and rescue (SAR), aeromedical evacuation, at iba pa na functions sa PCG tungo sa pag-iingat ng maritime domain ng Pilipinas at pagtiyak na ligtas ang buhay at mga pag-aari sa dagat.

Ang eroplanong namataan mula sa isang Hangar ng Philippine Coast Guard sa Pasay nitong nakaraang Septymbre a kwatro taong kasalukukay (Sept. 4, 2021), ay walang iba kundi ang CESSNA GRAND CARAVAN EX. kung saan pinangunahan ito ng butihing hepe ng coast guard na walang iba kundi si CG Admiral George V Ursabia Jr. para pamunuan ang pag iinspeksyon sa bagong kararating lang na bagong eroplano.

Ang CESSNA GRAND CARAVAN EX aircraft ay kayang mag sakay ng 10 hanggang 14 katao, ito ay may makinang Pratt & Whitney Canada engine na kayang mag deliver 867 horsepower, kung saan malaking ang maiaambag nito sa lalong pagbilis ng speed at climb rate capabilities, kaya naman nagagawa nito mag short take off and landing kahit na sa maikli lang na runway.

No comments:

Post a Comment