Wednesday, September 15, 2021

Fast AttacK Interdiction Craft Missile Builder Natukoy Na Ang Lugar Na Paggagawan

Isang mabuting balita na naman ang muli naming ibabahagi sa inyo. Kamakailan lang naibalita natin na ang pagkuha ng Fast Attack Interdiction Craft Missile kung saan ito nga ay nabigyan na rin ng linaw, matapos na mabalitaan na ang Special Allotment Release Order o SARO ay naibigay na sa gagawa ng nasabing fast attack craft.

Maaalalang nitong nakaraang adose ng Mayo taong kasalukuyan (May 12, 2021), ay naibigay na ang Notice of Award sa Israel Shipyard na kilala Shipbuilder mula sa bansang Israel. kung saan Inaasahan walong pirasong Shaldag Mark V patrol craft, kasama ang isang pirasong libre, na kung bibilangin ay aabot ng siyam na pirasong Mark V Shaldag na Fast Attack Interdiction Craft.

At sumunod nga nito, Ang Israel's Defense Attaché to the Philippines Raz Shabtay ay  bumisita para sa pag iinspeksyon sa site na pag gagawan ng kukuhaning fast Attack Interdiction Craft Missile nitong Sabado ng Septembre a onse (Sept. 11, 2021) sa Naval Shipbuilding Center sa Cavite.

Ayon sa Philippine Navy (PN), sinasabing ang pagbisita ay ginawa upang muling buhayin ang kakayahan ng Pilipinas sa paggawa ng barko at para narin sa pag papanatili ng kontrol sa littoral waters ng bansa. kung saan ito ay mag uumpisahan sa pamamgitan nga ng proyektong tulad nalang ng FAIC-M acquisition project.

Inaaasahan naman na ang kukuhaning Fast Attack Interdiction Craft na may kabuuang siyam na piraso, ay makikita ng nasa hanay na ng Philippine Navy sa first quarter ng susunod na taon (1st Quarter of 2022).

No comments:

Post a Comment