Thursday, September 16, 2021

F16 Laglag Gripen Pasok sa MRF Acquisition ng Philippine Air Force

Isang kapapsok lang nabalita. F16 laglag na nga ba?, habang ang Gripen ay mukhang malaki ang porsyentong mapili. Halina't alamin kung ano na nga ba ang nasa likod ng istorya, sa pagitan ng dalawang eroplano, na mistulang nagtatagisan para sa pwestong  mapili na bilhing Multirole Fighter Jets ng Pilipinas.

Maaalalang nitong September 11, 2021. namataan na ang butihing Kalihim ng depensa ng bansa na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana ay nakitang nakaupo sa isang simulator ng F16 block 70/72 na kung saan ang nasabing eroplano ay minsan naring nailista sa mga pagpipilian na MRF ng Philippine Air Force.

Sa kabila nga ng nasabing kaganapan ay mukhang di pa rin papalaring mapili ang F16 Jet Fighter ng Estados Unidos,Ito ay dahil na rin ayon sa kalihim, ng tanungin tungkol sa kukuhaning MRF Jets Fighters, nitong September 16, 2021 sa isang online press briefing:

"Sa ngayon, malabo pa dahil yun pera natin, yun perang nakalaan ay kung bibili tayo ng F-16 jets, ay dalawa lang ang mabibili natin. Samantala kung bibilhin tayo ng Gripen, yung Swedish-made fighter aircraft, ay anim". 

Kung susumahin, ang variant na F16 na hinahanap ng Pilipinas ay naglalaro sa presyo na di baba sa (PHP 589 million )limáng daán at siyám na pû’t walóng milyong piso ang isa, dependa sa configuration nito.

Ito ay kung kaya't, malaki talaga ang bentahe na JAS-39 Gripen ang kuhanin dahil nga sa praktikal ito ay sadyang may kakabaan ang presyo.

Ang MRF ay bahagi ng Horizon Two ng Armed Forces of the Philippines Modernization Program na nakatakda mula sa taong 2018 hanggang sa taong 2022.

Bagama't unti unti na ngang lumiliwanag ang kukuhanin na Multirole Fighter, sa ngayon na ginagawa ang videong ito, ay di parin matukoy kung ano ang mapipili na  Multirole Fighter ng pilipinas. Inaasahan naman na sa mga susunod na araw, o buwan, ay malalaman na natin, kung ano ba talaga ang napili na MRF para sa bansa.     

No comments:

Post a Comment