Monday, September 20, 2021

Modernong Grenade Launchers Para Sa Philippine Army Ibinida

Kamakailang lang dumating ang ilang makabagong armas para sa kasundaluhan ng 10th Infantry (Agila) Division ng Philippine Army. 

Ito ay ayon mismo sa impormasyong galing sa Agila News Network, pormal na na nakatanggap ng 25 units na EXTENDED RANGE 40 mm MGL MULTIPLE GRENADE LAUNCHER mula sa Armed Forces of the Philippines ang 10th Infantry Division o mas kilala bilang Agila Division ng Philippine Army. ang nasabing kaganapan ay nangyari mismo sa Camp Manuel T. Yan Sr., Mawab, Davao de Oro.

Ang XRGL-40 MULTIPLE GRENADE LAUNCHER na mula sa kilalang manufacturer nito mula sa bansang South Africa ay may effective firing range na higit kumulang 800 meters na layo, meron din itong Rippel Effect Range o Reflex Sighting System na nag papataas anya ng accuracy rate nito. Bukod nga sa pagiging magaang ang timbak na 5 kilo, ito ay gumagamit ng Standard Low Velocity Grenade Ammunation na makikitang ginagamit rin sa M203 Grenade Launcher, ito ay may kapasidad na Anim (6) na pirasong bala sa isang Revolver. 

Ang nasabing armas ay nakahandang ipamahagi sa mga batallion na nasasakupan ng 10th Infantry Division upang mapalakas ang kapabilidad ng bawat yunit sa pag sugpo ng inserhinsiya at terorismo na nasasakupan ng nasabing dibisyon. 

Inaaasahan na naman alinsunod na rin sa mga pinangako ng ating Pangulong na walang iba kundi si President Rodrigo Roa Duterte, patuloy ang pag papataas ng kalidad di lamang sa bawat kakayahan ng mga sundalo ganun din sa mga kagamitan at teknolohiya ng bawat sangay ng sandatahang lakas, ito ay alin sunod sa AFP Moderization Program ng administrasyon.

No comments:

Post a Comment