Wednesday, October 27, 2021

Bangis Ng Philippine Navy Nakita Sa Isang Operasyon

Kamakailan lang naipakita natin ang ilang kuha, sa isang kaganapan na nagpapakita ng kakayahan ng Philippine Navy, pagdating sa Amphibious Operations nito.

Ito ay matapos na nagkaroon ng isang rehearsal ang nasabing hukbo, tungkol sa isang operasyon para sa darating na pagsasanay na kung tawagan ay "PAGSISIKAP 2021".

Makikita sa nasabing rehearsal ang BRP Tarlac, na kung saan, naging pangunahing vessel para isagawa ang pag launch ng Amphibious Assault Vehicle ng Philippine Marine Corps.

Kung saan sumunod nito, ay ang pag launch ng dalawang Landing Craft na nag lalaman ng bata batalyong mga marinong sundalo.

Habang saba'y naman na nag aabang ang assault craft ng navy para supportahan ang nagaganap na opersyon.

Ang nasabing rehearsal para sa gaganaping "PAGSISIKAP 2021" Amphibious Operations, ay ginanap, mula sa karagatan, at matatapos sa dalampasigan, ng  Ens Majini Pier, Naval Station Romulo Espaldon, lungsod ng Zamboanga nitong Oktubre 21 taong kasalukuyan.

Matapos nga ng kaganapan inaaasahan naman ang actual na operasyon para sa  "PAGSISIKAP 2021" Excercise ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.


No comments:

Post a Comment