Tuesday, October 26, 2021

Philippine Air Force Magkakaroon ng Limang C130J Super Hercules

Kamusta, Isang kapapasok na balita na naman, ang muli naming ihahatid sa inyo.

Ayon sa ating source, Anya, ang Hukbong Panghimpapawid ng Bansa, ay nagpahayag na magkakaroon ng higit kumulang Limang Pirasong C130J Super Hercules.

Ito ay matapos na maaprubahan ng House of Representatives, ang request ng Philippine Air Force, para sa karagdagang pondo, pambili ng bagong cargo plane na C130J, bilang parte na rin ng modernization program of the Armed Forces of the Philippines, na kung saan kasama sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyong duterte.

Sinasabing ang acquisition ay binigyan daan, matapos nga ng ito ay inindorso, ng house speaker na walang iba kundi si Speaker Lord Allan Velasco. kung saan higit kumulang 5 bilyon at 5 milyong piso ang tinatayang halaga ng downpayment ng Hukbong Sandatahang ng Bansa para sa nasabing kabuuang limang piraso ng Super Hercules aircraft.

Ayon naman sa pamunuan ng Hukbong Panghimpapawid ng Bansa, Anya, ang kukuhaning c130j ay bago at mas malaki kaysa sa kasalukuyang c130 na mayroon tayo. 

Sinasabi rin na, ang nasabing cargo plane ay mas advance at moderno, kung saan di lamang maaasahan ito sa paghahatid ng mga sundalo at kargamento kundi, pupwede rin itong magamit sa panahong may sakuna o disaster response, na tulad nalang ng repatriation ng ating mga kababayang sa ibang bansa.

Inaaasahan naman, na matapos nga na maaprubahan ang pondo para sa limang piraso na C130J Acquisition, ay susunod naman nating tutukuyin ang schedule ng pagdating ng mga ito. 

No comments:

Post a Comment