Monday, October 25, 2021

Bangis ng Amphibious Assault Vehicles ng Pilipinas Nakita sa Karagatan ng Zamboanga

Kamusta, Isang kapapasok na Balita na naman ang muli naming ihahatid sa inyo.

Ito ay matapos na, ang isa sa kahanga hangang sasakyan, na pupwede sa tubig, at maaasahan rin sa lupa, ay nagpakita ng kanyang kakayahan, pagdating sa pakikipagdigma.    

Sa pamumuno ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas at Philippine Marines, Isinagawa ang isang kamangha manghang pagsasanay, na kung saan mamamataan ang Amphibious Assault Vehicles ng Pilipinas kasama ang BRP Tarlac bilang Landing Dock Vessel nito, sa karagatan ng Zamboanga City.

Maaalalang na ang Philippine Marine Corps ay mayroong higit kumulang walong piraso na Amphibious Assault Vehicles, kung saan ito ay binili ng bago sa bansa sa South Korea nitong nakaraang taon.

Makikita sa nasabing pagsasanay, ang kamanghamanghang Amphibious Assault Vehicles, na isa isang lumalabas sa Landing Platform ng BRP Tarlac, na pawang armado at handang handa sa kanilang tatahiking digmaan. habang sinasabayan naman sila ng fast attack craft ng navy. 

kung saan sumunod nito, ay namataan ding lumabas sa BRP Tarlac ay ang dalawang Landing Craft nito, na makikitang saba'y saba'y na dumaong sa dalampasigan sa Zamboanga, habang higit sa isang batalyong sundalong marino ang nagsilabasang makakasunod.

Anya, sinasabing ang pag sasana'y ay malaki ang maitutulong, para sa kahandaan, ng Philipine Navy at Philippine Marine Corp, sakali mang may magtatangkang agawin sa ating bansa ang Kalayaan.

No comments:

Post a Comment