Kamusta, Isang kapapasok na namang balita, ang muli naming ihahatid sa inyo.
Ito ay matapos na ang kalihim ng Depensa ng bansa, ay ina nunsyo, na marami pang assets ang nakahandang bilhin ng Pilipinas, kung saan isa nga sa nasabing assets na bibilhin, ay malaki ang maitutulong, para madagdagan ang kakayahan, ng Hukbong Panghimpapawid, ng Bansa.
Ayon nga sa kalihim ng Departamento ng Depensa na walang iba, kundi si Secretary Delfin Lorenzana, Anya, “Ipagpatuloy natin ang pagkuha ng mas modernong mga ari-arian tulad ng mga multi-role fighter, upang palakasin ang ating air defense capability. Ang mga ito ay magpapalakas ng moral at kapakanan ng ating mga tropa, dahil kung tutuusin, ang ating mga tauhan ang ating pinakadakila at pinakamahalagang pag-aari”.
Mababatid na kasama sa inihayag ng magiting na kalihim, ay ang Higit kumulang na isang dosena na karagdagang FA-50 Fighter Jets na gawa mula sa Republika ng Korea.
Bagama't matagal nang nasa listahan, ng mga pangunahing bibilhin ang nasabing panibagong acquisition ng FA50 ng South Korea. Masasabing naman na may kabagalan ang development ng pagkuha rito.
Ito nga ay matapos, na ang kumalat ang COVID-19 na pandemya. ay kasama sa naging dahilan, kung bakit usad pagong ang nasabing acquisition. dahil nga sa ang budget sana na nakalaan sa FA50, ay natapyas at nauwi sa pagtulong sa mga biktima ng nasabing nakamamatay na pandemya.
Sa kabila naman ng samu't saring problema ng nasabing acquisition, ay minabuti pa rin piiliin ng kagawaran na ituloy ang tamang direksyon para sa pagkuha ng panibagong 12 Units ng FA-50.
No comments:
Post a Comment