Kamusta, Isang kapapasok na balita na naman, ang aming ihahatid sa inyo, Ito ay matapos na, ang isang imahe ng isang opisyal ng Philippine Air Force, ay makikitang inaabutan ng plake.
Ano nga kaya, ang nasa likod ng istorya ng nasabing kaganapan, at saan nga ba ito nag simula?.
Mapapansin, na sa kabila ng natatakpang pisngi ng nasabing opisyal, ng Hukbo ng Pang himpapawid ng Pilipinas, ay mababatid sa kanyang mga mata, ang kagalakan nito, ng iabot sa kanya, ang isang plake na may modelo ng eroplano.
Maaalalang, kamakailan lang, nitong April 9, ng taong kasalukuyan (2021), ang bansang south korea, ay ipinasilip sa madla, ang kauna unahan nitong eroplano, na maikukumpara, sa henerasyon na tulad ng F-35 at F-22 Raptor na gawa sa Estados Unidos.
Ayon nga sa nakuhanan nating ng ating source, ang nasabing makabagong henerasyon na Fighter Aircraft na gawa ng Republika ng Korea, ay malaki nga raw, ang pagkakahawig nito, sa F-22 Raptor, na kung saan may dalawang Jet Engines din.
At ang kapabilidad nito, ay di rin maitatanggi na di lalayo sa kakayahan, ng nasabing makabagong eroplano mula Estados Unidos.
Habang ayon naman, sa kagawaran ng bumuo ng KF-21 Boramae, ang mga pangunahing kliyente nito, ay magmumula sa bansa sa Timog silangang Asya at iba pa. Kung saan, isa ang pilipinas sa mga pangunahing nalista, na posibleng makakuha ng nasabing makabagon eroplano na KF-21 ng bansang Republika ng Korea.
Matapos nga ang kaganapan nito sa Grand InterContinental Seoul Parnas Hotel ssa Gangnam-gu, Seoul, sa South Korea, kung saan inabot ang nasabing modelo ng KF-21 sa opisyal ng ating air force, ay inaasahan anya, na makakakuha ang Pilipinas ng nasabing Jet Fighter, sa susunod na administrasyon.
No comments:
Post a Comment