Kamusta, Isang mabuting balita na naman, ang aming ihahatid sa inyo, Ito ay matapos na ang Philippine Air Force at ang bagong bili nitong aircraft kamakailan lang, ay namataang lumapag sa Major Danilo Atienza Air Base.
Ang nasabing kaganapan, ay pinasinayaan mismo ng opisyal ng Hukbong Panghimpapawid ng Bansa, kung saan bago makalapag ang nasabing Aircraft, ay nasagawa muna ito ng Low Pass sa Airport.
At matapos nga ng mababang paglipad sa lugar, bilang pagpapakita ng kakayahan, ay nag manuever ang nasabing fleet ng eroplano, kung saan isa isa itong lumapag, sabay na rin ng tradisyunal na water cannon salute, na sunundan naman ng pagbibigay ng pagpapala.
Ang mahiwagang aircraft na kabibili lang ng bansang pilipinas sa brazil, ay walang iba, kundi ang Embraer A29B Super Tucano, na kilala bilang moderno at mabagsik na turboprop fixed wing aircraft, bukod nga sa marami nga itong kayang gawin, mainam din ito pag dating sa pagsasanay ng mga piloto.
Matatandaan na ang unang batch ng grupo ng Super Tucano, ay nakarating sa bansa nitong Septyembre ng nakaraang taon, habang ang natitirang dalawa ay dumating ng Oktubre ng nakaraang taon rin.
Sinasabing ang kabuuang eropalano na lumapag sa Major Danilo Atienza Air Base sa Sangley Point, Lungsod ng Cavite, ay bumibilang ng Limang Piraso na Embraer A29B Super Tucano, na kung saan, ang isa piraso nito ay nasa ilalim ng pag sasa ayos, matapos nga ng ito ay madisgrasya at bahagyang masira, nitong Hulyo ng taong kasalukuyan.
Ang nasabing Fleets ng Embraer A29B Super Tucano ng Philippine Air Force, ay malaki anya, ang maiaambag, pag dating sa pag tuligsa ng kalaban ng gobyerno at higit sa lahat maprotektahan ang kalayaan ng bansa.
No comments:
Post a Comment