Kamusta, Isa na namang kapapasok na balita ang aming ihahatid sa inyo, Ang Philippine Coast Guard Aviation Force ay nagpahayag na ang kanilang makabagong eroplano, ay sasabak sa una nitong misyon.
Ito ay matapos nga na ang brandnew na eroplano ng Philippine Coast Guard ay namataan na lumabas sa hangar nito, bilang pag uumpisa ng paghahanda ng una nitong pag lipad. kung saan gaganapin din nito ang kauna unahang misyon, na pag sasagawa ng aerial surveillance sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Matatandaan na kamakailan lang nitong Oktubre 14, taong kasalukuyan, tumama sa bansa ang bagyong Maring.
Ang nasabing makabagong eroplano ng PCG Aviation Force, ay walang iba kundi ang CESSNA GRAND CARAVAN EX na may tail number PCG-2081.
Matapos nga ang kaganapan, lumalabas na malaki nga ang maitutulong nito, sa mga tulad nga ng ganitong mga panahon at sitwasyon.
No comments:
Post a Comment